|
napansin ko sya isang araw nung ako ay pauwi na. sa terminal ng bus sa may buendia. hindi ko alam kung ilang araw na syang nakaupo dun pero naaalala kong nakita ko na sya dun. maputi na ang kanyang buhok, kahit sa malayo ay alam kong kulubot na ang kanyang balat. nakalugmok sya sa upuan sa tapat ng bilihan ng donuts. hindi gumagalaw. dina-daan-daanan lamang. ni hindi ko alam kung humihinga pa sya. gusto ko sana syang lapitan. tanungin kung meron syang kelangan ngunit dumating na ang bus na aking sasakyan kaya sumakay na ako... bukas. tutulungan ko sya bukas. mabigyan man lang ng kahit ilang piso para makakain sya. oo, bukas na nga lang. "mag-iisang linggo na ako dito pero wala man lang lumapit sa akin para tanungin ako kung kailangan ko ng tulong. hindi ako makauwi sa amin... dahil wala na akong uuwian. hindi na ako kailangan ng mga anak ko. wala na akong silbi para sa kanila. kung tratuhin nila ako, parang isang alipin. wala na silang respeto sa akin. kahit ang mga apo ko. wala kahit isang nagmamalasakit sa akin. at dito sa lugar na ito... parang walang nakakakita sa akin. ganito na ba talaga pag matanda ka na? kinakalimutan ka na ng mundo? lalo na ang katulad kong matanda at mahirap. hindi ko na maalala kung kailan ako huling kumain. hindi ko na maramdaman ang gutom. pagod na ako sa buhay ko. mabuti na lang at hindi ako pinapaalis sa kinauupuan ko. akala marahil nila na meron akong hinihintay... mula kabataan ko puro hirap na ang aking napagdaanan. hanggang ngayon, naghihirap pa din ako. gusto ko ng magpahinga." "manong, ano pong nangyayari?" "ah... may natagpuang matandang babaeng patay sa terminal." "ho?" "ayun o. inatake ata. inaalis pa nila ang katawan... bakit? kilala mo sya?" "ah, eh... hindi po..."
"anak naman ng tokwa! kung hindi pa nadale tong si lola e hindi malalamang patay na!" "kawawa naman..." "p're... ano yang dumi sa mukha nya?" "luha pare... luha..." |
| Paula S. October 5, 2007 06:20 PM PDT i didn't know you speak tagalog this well. You must think we're so jologs (me and liila) trying to go tagalog all the way. | ||
| Leave a Comment: |